Sumiklab na sunog sa Taguig City, naapula na

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Taguig City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), apektado ng sunog ang bahagi ng DMCI Compound sa Barangay Ususan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa naturang lugar.

Tuluyan namang naapula ang apoy bandang 2:13 ng hapon.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang sanhi at magkano ang inabot na pinsala ng sunog.

Read more...