Mayor Moreno, nais nang ipagbawal ang pagsusuot ng face shield sa Maynila

Manila PIO photo

Nais ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagbawal na sa Maynila ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Pero ayon kay Mayor Isko, gagawin lamang niya ito kung nabakunahan na ang mayorya ng mga Filipino at naabot na ang herd immunity.

Sa ngayon, wala pa naman aniyang pangangailangan para ipagbawal ang pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Mayor Isko, dagdag gastos lang kasi ang face shield gayung wala namang siyentipikong pag-aaral na mabisa ito bilang pangontra sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko, face mask na lamang ang maaring isuot kung humupa na ang pandemya.

Sinabi pa ng alkalde na ang Pilipinas na lamang ang bukod tanging bansa na gumagamit ng face shield.

Panahon na aniya para muling pag-aralan ito para naman maibsan ang gastusin ng taong bayan.

Dapat din kasi aniyang ikonsidera na ilan sa mga nagsusuot ng face mask at face shield ay nahihirapang huminga lalo na ang mga sakit sa puso at baga.

Read more...