Mayor Moreno, tiniyak na walang nasisirang COVID-19 vaccine sa Maynila

Walang nasisirang bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila kahit nakararanas ng rotational brownout.

Ito ay kahit na kinakailangang nakaimbak sa malamig na temperatura ang mga bakuna.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, pinaghandaan kasi ng lokal na pamahalaan ang mga storage facility gaya na lamang ng Santa Ana Hospital kung saan nakaimbak ang mga bakuna.

Redundant kasi aniya ang sistema para kung sakaling magkaroon ng aberya gaya ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay mananatiling ligtas ang mga bakuna at hindi matatapon.

Nagpapasalamat sa Diyos si Mayor Isko na maayos ang kondisyon ng mga bakuna.

Matatandaang ang bakunang gawa ng Pfizer ay nangangailangan ng -18 degrees Celsius na temperatura para sa storage facility para hindi masira.

Read more...