Bagyong #DantePH, posibleng mag-landfall sa Bataan mamayang gabi

Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Dante pa-Hilagang Kanluran patungo sa Timog-Kanlurang bahagi ng Batangas at Hilagang-Silangang bahagi ng Oriental Mindoro.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatang sakop ng Pola, Oriental Mindoro o sa 45 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Calapan City dakong 1:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

May bilis ang bagyo na 25 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Northern portion ng Romblon (Corcuera, Banton, Concepcion)
– Marinduque
– Northern at central portion ng Oriental Mindoro (Roxas, Bongabong, San Teodoro, Puerto Galera, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud)
– Northern at central portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Paluan, Mamburao, Abra de Ilog, Lubang Islands)
– Batangas
– Cavite
– Bataan
– Southwestern portion ng Bulacan (Calumpit, Bulacan, City of Malolos, Paombong, Hagonoy)
– Western portion ng Pampanga (Masantol, Macabebe, Sasmuan, Lubao, Floridablanca, Porac, Guagua, Santa Rita, Angeles City, Mabalacat City, Minalin, Bacolor)
– Zambales
– Western portion ng Tarlac (Bamban, Capas, San Jose, Mayantoc, Camiling, Santa Ignacia, San Clemente)
– Western portion ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Infanta, Dasol, City of Alaminos, Mabini, Sual, Labrador, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Carlos City, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)

Signal no. 1:
– Nalalabing bahagi ng Romblon
– Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
– Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Western portion ng Quezon (Sampaloc, Mauban, Lucban, City of Tayabas, Candelaria, San Antonio, Tiaong, Dolores, Sariaya, Pagbilao, Lucena City, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Pitogo, Unisan, Gumaca, Lopez, Plaridel, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)
– Laguna
– Metro Manila
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Nalalabing bahagi ng Pampanga
– Nalalabing bahagi ng Tarlac
– Western portion ng Nueva Ecija (Cabiao, San Antonio, City of Gapan, San Isidro, San Leonardo, Jaen, Zaragoza, Licab, Guimba, Cuyapo, Nampicuan, Talugtug, Quezon, Aliaga, Santa Rosa)
– Nalalabing bahagi ng Pangasinan
– Southern portion ng Benguet (Itogon, Tuba, Sablan, Baguio City, La Trinidad, Kapangan, Tublay)
– La Union
– Aklan
– Northern portion ng Antique (Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad, Caluya)

Samantala, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lalawigan.

Ayon sa PAGASA, hanggang Huwebes ng umaga (June 3), asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa CALABARZON, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Antique, Capiz, Bataan, Zambales, Pangasinan, nalalabing parte ng Central Luzon, Metro Manila, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, Iloilo, at Guimaras.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Bicol Region, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Negros Occidental, at natitirang parte ng MIMAROPA.

Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran at dadaan malapit o sa mismong bisinidad ng Oriental Mindoro o southwestern portion ng Batangas bago lumiko sa Hilaga Hilagang-Kanlurang direksyon.

Inaasahang magkakaroon ng isa pang landfall ang bagyo sa Bataan, Miyerkules ng gabi.

Read more...