Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, maari kasing maapektuhan ang pagnenegosyo sa bansa lalo’t ngayon pa lamang unti-unting nakababangon sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Lopez, kakausapin niya si Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay sa problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
Umaasa si Lopez na mayroon sanang back-up plan ang DOE para tugunan ang problema.
Hindi kasi aniya maganda sa pagnenegosyo kung kulang ang suplay ng kuryente dahil maapektuhan ang operasyon.
Umaasa si Lopez na ang nangyayaring rotational brownout ay bunsod lamang ng mataas na demand dahil sa mainit na panahon at pagkasira ng mga planta.
Sa ngayon, pag-aaralan pa ng DTI kung magkano ang epekto sa pagnenegosyo ang kakulangan ng suplay ng kuryente.
Narito ang pahayag ni Lopez:
WATCH: Pahayag ni DTI Sec. Ramon Lopez ukol sa nararanasang rotational brownout sa Luzon | @chonayu1 pic.twitter.com/eTcExsfjol
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 2, 2021