Publiko, binalaan ng LTO ukol sa bogus Facebook page

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko ukol sa mga bogus na Facebook page.

Tinukoy ng ahensya ang Facebook page na “LTO License Assistance Center” na nag-aalok ng pekeng driver’s license sa mga aplikante.

Ayon sa LTO, hindi awtorisado at hindi konektado sa ahensya ang nasabing mapanlinlang na Facebook page.

Hinihikayat ng bogus na Facebook page ang mga motorista na hindi kumuha at sumipot sa mismong sa driver’s license examination kapalit ang halagang P3,500 hanggang P6,500 processing fee.

Giit ng LTO, malinaw na isa itong paglabag.

Pinag-iingat ang publiko na huwag tangkilikin ang alok na serbisyo ng pekeng Facebook page o sinumang indibidwal sa labas ng tanggapan ng LTO.

Paalala pa ng ahensya, huwag din basta-bastang ibibigay ang mga personal at pribadong detalye sa mga hindi awtorisadong indibidwal o tanggapan.

Sakaling makakita ng kahalintulad na panloloko, maaring i-report sa LTO sa LTO Assistance Center:
https://m.facebook.comOfficialLTOlicenseassistance/

Read more...