Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lalawigan dulot ng #DantePH

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Miyerkules ng hapon (June 2), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Dante.

Nakataas ang orange warning level sa Occidental Mindoro.

Yellow warning level naman ang nakataas sa Palawan kasama ang Kalayaan Islands, Iloilo, Antique, Capiz, Aklan, Guimaras, at Negros Occidental.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Magdadala naman ang trough ng naturang bagyo ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Nueva Vizcaya (Sta. Fe, Aritao, Dupax Del Sur at Alfonso Castaneda); Isabela (Gamu at Tumauini) at maging sa Ilagan City sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...