Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 171.93 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 171.93 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 171,938,586 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,136,738 cases.

Sumunod na rito ang India na may 28,307,832 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 16,625,572 naman ang kaso sa Brazil habang 5,677,172 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,256,516
– Russia – 5,081,417
– United Kingdom – 4,490,438
– Italy – 4,220,304
– Argentina – 3,817,139
– Germany –  3,692,908
– Spain – 3,682,778
– Colombia – 3,432,422

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,575,782 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 154,628,337 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...