Sen. Imee Marcos naniniwalang maaring masolusyonan nang pag-amyenda sa Foreign Investment Act ang ‘blackouts’

Sinabi ni Senator Imee Marcos na sa nararanasang ‘power interruptions’ nasasalamin ang pangangailangan para sa agarang pag-amyenda sa Foreign Investment Act.

Aniya ang pamumuhunan ng mga banyaga sa sektor ng enerhiya sa bansa ay maaring ang solusyon sa tumitinding pangangailangan ng bansa bunga na rin ng lumulubong populasyon.

“The power outages are a clear wake-up call that that we have to get our act together before things get worse. Our growing energy requirements actually make the Philippines an attractive investment destination,” sabi ng senadora.

Pinapaboran ni Marcos ang pagpapaluwag o pagpapataas sa maaring ibuhos na puhunan ng mga banyaga at ang pagbaba ng paid-up capital requirements sa ilang industriya.

Una na niyang binanggit na ang pag-amyenda sa batas ay maaring magpabago sa sektor ng imprastraktura, transportasyon, kuryente, wifi at magpagaaan at magpabilis sa pagtatayo ng negosyo sa bansa.

 

Read more...