DOE inatasan ang Energy Regulatory Commission na imbestigahan ang pagbagsak ng ilang Luzon power plants

NGCP PHOTO

Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan ang pagbagsak ng ilang planta ng kuryente na nagresulta sa paglagay sa Luzon grid sa ‘red alert status.’

Sa ipinalabas na pahayag ng kagawaran, kung kakailanganin maari din pairalin ng ERC ang kanilang ‘regulatory functions’ para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.

Ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang operator ng Luzon-grid.

Sa pagbagsak ng GMEC Coal-Fired Power Plant 2 Unit inilagay ang Luzon grid sa red alert status mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 kagabi.

Sinabi din ng DOE na maari naman magpatupad ng Manual Load Dropping (MDL) o pagputol ng suplay ng kuryente ang NGCP sa ilang bahagi ng Luzon para mapanatili ang integridad ng power system.

Paalala lang ng kagawaran sa power distributors at system operators ang kanilang obligasyon sa mga konsyumer na gawaan ng paraan o paghandaan ang karagdagang pangangailangan sa kuryente.

Read more...