‘Economic Cha-cha’ tatalakayin sa Senado pagkatapos ng huling SONA ni Pangulong Duterte

SENATE PRIB PHOTO

Wala ng panahon ang Senado para talakayin pa ang isinusulong na pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay sa paglusot ng panukala na mabago ang ilang nilalaman ng Saligang Batas, partikular ang mga probisyon na may kinalaman sa ekonomiya.

Ayon kay Sotto maaring pagkatapos ng huling State of the Nation Address (SONA) ay mapag-usapan nila ng mga kapwa senador ang tinatawag na ‘economic Cha-cha.’

Dagdag pa niya may tsansa din na makalusot ang pag-amyenda sa Saligang Batas kung malilimitahan sa ‘economic provisions’ ang mga babaguhin.

Ngunit aniya maliban na lang kung ang mga aamyendahan ay sasakupin na ng ipapasa nilang pag-amyenda sa Public Services Act at Foreign Investment Act.

Ngayon linggo ay magsisimula na ang sine die adjournment ng Kongreso at magbabalik sesyon kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo.

Read more...