Luzon Grid at Metro Manila, 12 oras na nasa ‘red alert – NGCP; Meralco, nagpaalala sa ‘rotational brownouts.’

NGCP PHOTO

Inanunsiyo ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na 12 oras na nasa ilalim ng ‘red alert’ ang Luzon Grid, kasama na ang Metro Manila.

Sa inilabas na abiso ng NGCP, nagsimula ang red alert status alas-9 ngayon umaga hanggang ala-5 ng hapon at mauulit ng ala-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Samantala, ang yellow alert ay nagsimula kanina alas-8 ng umaga hanggang alas-9 at mamaya ala-5 ng hapon hanggang ala-6 ng gabi, bago mauulit ng alas-11 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Sa yellow alert nangangahulugan na mababa ang suplay ng kuryente, samantalang sa red alert ay kulang na ang suplay ng kuryente.

Kasabay nito, nagpaalala na ang Meralco ng ‘rotational brownouts’ sa ilang lugar na kanilang sineserbisyuhan.

Read more...