Mga turista mula sa NCR plus, pwede nang bumisita sa Boracay

Bukas na ang Boracay sa mga turistang manggagaling sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinatawag na NCR plus.

Inanunsiyo ng Malay Tourism Office sa Facebook na base sa IATF-EID Resolution 118A, pwede nang makapunta ang mga residente mula sa NCR plus bubble mula June 1 hanggang 15, 2021.

Umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ sa NCR plus hanggang June 15.

“If NCR+ becomes plain GCQ after June 15, it would be a continuous take off. If NCR+ goes up again to MECQ, it may stop leisure movements again,” paalala nito.

Sinabi pa nito na mananatiling bukas ang sikat na tourist destination sa mga turista sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o MGCQ.

Kailangan lamang aniyang tignan ang flight availability ng mga airline company.

Saad pa nito, “The same LGU requirements and guidelines apply.”

Read more...