Cebu Pacific, kinansela ang kanilang Dubai flights hanggang June 15

Kinansela ng Cebu Pacific ang kanilang flights sa pagitan ng Manila at Dubai mula June 1 hanggang 15, 2021.

Ito ay matapos palawigin ng gobyerno ng Pilipinas ang travel restrictions sa mga biyahero mula sa pitong bansa, kabilang ang United Arab Emirates (UAE).

Base ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Narito ang mga kanseladong flight:
– 5J 14 (Manila-Dubai) mula June 4 hanggang 14
– 5J 17 (Dubai-Manila) mula June 5 hanggang 14
– 5J 19 (Dubai-Manila) mula June 5 hanggang 15

Inabisuhan naman ang mga apektadong pasahero sa pamamagitan na mayroong mga opsyon na maaari nilang gawin; unlimited rebooking, 2-year Travel Fund, o Refund.

Tuloy naman ang operasyon ng ibang domestic at international flights ng airline company.

Read more...