Bagyong #DantePH, bahagyang humina habang papalapit sa Eastern Samar

Bahagyang humina ang Tropical Storm Dante habang kumikilos papalapit sa Eastern Samar.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 85 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 110 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Borongan City, Eastern Samar dakong 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Bahagyang bumilis ang takbo ng bagyo sa 25 kilometers per hour sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Bunsod ng bagyo, nakataas ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal nos.

Signal no. 2:
– Catanduanes

– Camarines Sur
– Southern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay, Daet, Basud, Mercedes)

– Masbate kabilang Ticao at Burias Island
– Albay
– Sorsogon
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran

– Northeastern portion ng Leyte (Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Alangalang, Tunga, Santa Fe, Palo)

Signal no. 1:
– Rizal
– Laguna
– Southeastern portion ng Batangas (Lobo, San Juan, Rosario, Taysan, City of Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Lipa City, Padre Garcia, Ibaan, Batangas City, Balete, Mataasnakahoy, San Jose)

– Quezon kasama ang Polillo Islands

– Nalalabing parte ng Camarines Norte
– Marinduque
– Romblon
– Northeastern portion ng Aklan (Lezo, Numancia, Banga, Kalibo, New Washington, Balete, Batan, Altavas, Makato, Tangalan)
– Northeastern portion ng Capiz (Mambusao, Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panitan, Sigma, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar, Ma-Ayon, Dao, Cuartero)
– Northeastern portion ng Iloilo (Sara, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles, Lemery, Ajuy, Concepcion)
– Northeastern portion ng Negros Occidental (Manapla, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, City of Victorias, Calatrava)
– Northern portion ng Cebu (Balamban, Asturias, Tuburan, Tabuelan, Sogod, San Remigio, City of Bogo, Borbon, Tabogon, Bantayan Islands, Daanbantayan, Medellin, Catmon, Danao City, Carmen, Compostela, Cebu City, Liloan, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordova)
– Northeastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, Ubay, San Miguel, Alicia, Buenavista, Mabini, Candijay, Anda, Inabanga, Guindulman, Dagohoy, Pilar, Danao, Pres. Carlos P. Garcia)
– Nalalabing bahagi ng Leyte at Southern Leyte
– Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
– Dinagat Island
– Northern portion ng Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay, City of Cabadbaran, Magallanes, Remedios T. Romualdez, Butuan City)
– Northern portion ng Agusan del Sur (Sibagat)
– Northern portion ng Surigao del Sur (San Miguel, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal)

Inalis naman sa Signal no. 1 ang ilang lalawigan.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 oras, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Surigao del Norte, Dinagat Islands, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Masbate, Romblon, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Samar, Bohol, northern portion ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Capiz, Iloilo, Sorsogon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque, at southern portion ng Quezon.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Misamis Oriental, Agusan del Sur, Bukidnon, Catanduanes, at natitirang bahagi ng Visayas.

Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran hanggang Miyerkules ng gabi, June 2.

Inaasahang mananatili ito bilang tropical storm bago magkakaroon ng initial landfall ang bagyo sa Eastern Samar o Leyte sa pagitan ng Martes ng gabi o Miyerkules ng madaling-araw, June 2.

Matapos ito, asahang hihina na ang bagyo at magiging tropical depression sa Huwebes at Low Pressure Area (LPA) sa Sabado.

Read more...