Bayanihan 3 Bill, aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara

Aprubado na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ang Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3).

Sa botong 238 na Yes, 0 na No, at isang abstain, naipasa sa huling pagbasa ang ikatlong economic stimulus package.

Inaasahang makatutulong ito upang makaahon sa pasanin ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, dapat lang na magkaroon ng Bayanihan 3 dahil sa lagay ng ekonomiya ng bansa at kailangang household income support.

Sa ngayon, wala pang naibibigay na certification of availability of funds ang Bureau of Treasury para sa Bayanihan 3.

Read more...