Pangulong Duterte, Pacquiao magkaalyado pa rin – Palasyo

Nanatiling magkaalyado sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng pagkwestyun at paggigiit ni Pacquiao na hindi lehitimo ang ginawang pagpupulong ng kanilang partido na PDP-Laban sa Cebu na humihimok kay Pangulong Duterte na tumakbong bise preisdente ng bansa sa May 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang pagbabago at nanatili pa rin namang presidente ng PDP-Laban si Pacquiao.

“I believe so ‘no. Wala naman pong nangyaring pagbabago bagamat natuloy po iyong PDP-Laban, he remains to be party president as of now,” pahayag ni Roque nang tanungin kung kaalyado pa rin si Pacquiao.

Una rito, humihiling ang kampo ni Pacquiao ng meeting kay Pangulong Duterte para ayusin ang agenda ng legitimate national council meeting bago pa man ang filing ng certificate of candidacies.

Pero ayon kay Roque, wala pang schedule para sa naturang pagpupulong.

“Wala pa pong schedule, pero wala rin naman akong nakikitang hadlang sa pagpupulong na iyan,” pahayag ni Roque.

Read more...