14 pang overseas Filipinos, nasawi dulot ng COVID-19

Sa unang araw ng Hunyo, may 11 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 1, nasa 19,765 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,534 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

16 naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,037 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

14 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,194 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,249 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,522 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 984 naman ang kaso sa Americas at 4,010 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...