Limitadong face-to-face classes para sa medical programs ng apat na eskwelahan sa Maynila, aprubado na

Manila PIO photo

Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang limitadong face-to-face classes para sa medical programs ng apat na eskwelahan.

Kabilang sa mga pinayagang magkaroon ng face-to-face classes ang University of the Philippines (UP) Manila, Emilio Aguinaldo College (EAC), PHINMA St. Jude College (SJC), at National University (NU).

“All approved,” pahayay ni Mayor Isko matapos ang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng apat na eskwelahan.

“I trust everyone to follow the health protocols. Mas gusto ko ‘yung kayo ang magkusang disiplina,” pahayag ni Mayor Isko.

Hinihikayat din ni Mayor Isko ang mga guro at mga estudyante na magpabakuna para mabigyang proteksyon laban sa COVID-19.

“The A4 category has been simplified. It now includes all workers who are required to go outside their their homes to perform their jobs. Kaya pwede na ang halos lahat. Antabayanan lang natin ang announcement na pwede na ang A4 and, of course, when vaccines are available, ” pahayag ni Mayor Isko.

Nangako naman si Mayor Isko na aayudahan ng Manila Health Department (MHD) ang mga eskwelehan sa pangangailangan sakaling may maapektuhan ng COVID-19.

Read more...