PhilRem hugas-kamay sa nawawalang $17 Million

By Den Macaranas April 19, 2016 - 05:17 PM

Salud Philrem
Inquirer file photo

Muli ay mariing itinanggi ng PhilRem Services Corp. na nasa kanila ang hindi mai-account na $17 Million na bahagi ng nawawalang $81 Million na pag-aari ng Bangladesh Central Bank.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kanina, sinabi ni PhilRem president Salud Bautista na pumasok sa accounts ng ibat-ibang mga casino sa Metro Manila at kay Weikang Xu ang nawawalang pera.

Nauna nang sinabi ng casino operator na si Kim Wong na nasa pangangalaga ng PhilRem ang nasabing pera.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni bautista na inihatid nila kay Xu sa VIP room ng Solaire Resorts and Casino ang P600 Million at $18 Million na bahagi ng hinahanap na salapi.

Sa mga naunang imbestigasyon ng Senado kay dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch manager Maia Santos-Deguito ay lumutang ang umano’y pagpasok ng PhilRem ng bahagi ng laundered money sa naturang bangko.

Kabilang dito ang pag-convert sa Piso ng $61 Million o katumbas ng halos ay P2.9 Billion.

Para mas lalong malinawan ang isyu, inutusan ng Senate Blue Ribbon Committee si Bautista na paharapin sa susunod na pagdinig ang kanyang dating accountant na posibleng magbigay-linaw sa nasabing usapin.

TAGS: guingona, Money-Laundering, philrem, RCBC, salud bautista, guingona, Money-Laundering, philrem, RCBC, salud bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.