Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 6:00, Martes ng gabi (June 1), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Dante.
Nakataas ang red warning level sa Cebu, Bohol at Southern Leyte.
Yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Suquijor, Negros Oriental, Leyte, Samar at Eastern Samar.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES