2-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, darating sa June 11

Aabot sa 2.2 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer ang inaasahang darating sa bansa sa Hunyo 11.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., direktang ide-deliver ang mga bakuna sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Ibig sabihin, wala na aniyang double handling. Pagdating sa bansa ng mga bakuna, deretso na sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Galvez, nais ng Pfizer na ilaan ang mga bakuna sa health workers, persons with comorbidities at mga senior citizen.

Read more...