Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (June 1), pumalo na sa 1,235,467 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 53,203 o 4.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,177 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.3 porsyento ang asymptomatic; 1.30 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 46 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 21,012 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,230 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,161,252 o 94.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.