Ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Sa abiso ng NGCP, iiral ang red alert simula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at muling ipatutupad bandang 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.
Nauna namang pinairal ang yellow alert bandang 9:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at muling iiral bandang 5:00 hanggang 6:00 ng hapon at 10:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.
Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,408MW habang aabot naman sa 11,593MW ang peak demand.
Bunsod nito, ilang lugar ang makararanas ng power interruption.
MOST READ
LATEST STORIES