NGCP naghahanda na para sa Tropical Storm #DantePH

Nagsagawa na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng mga kinakailangang preparasyon sa transmission operations at facilities sa inaasahang pananalasa ng Tropical Storm Dante.

Sinabi ng NGCP na kabilang sa preparasyon ang pagtitiyak sa reliability ng communications equipment, availability ng hardware materials at supplies para sa pagsasaayos sa mga mapipinsalang pasilidad.

Inayos na rin ang positioning ng line crews sa mga strategic area upang mapadali ang agarang restoration work.

Siniguro ng Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng NGCP ang mga naturang hakbang para matiyak ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities.

Read more...