138 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 138 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (June 1), 24,113 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,744 ang aktibo pang kaso.

244 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 22,303 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 66 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...