Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,565,027 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 609,767.
Sumunod na rito ang Brazil na may 462,966 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 331,909 naman ang death toll sa India habang 223,568 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,782
– Italy – 126,128
– Russia – 121,501
– France – 109,528
– Germany – 89,148
– Colombia – 88,774
– Iran – 80,156
– Spain – 79,953
– Argentina – 78,093
– Poland – 73,745
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 171,469,374 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 153,940,187 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.