Sa kaniyang public address, Lunes ng gabi (May 31), sinabi ng Pangulo na isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang mga sumusunod na lugar mula June 1 hanggang 15, 2021:
– City of Santiago
– Cagayan
– Apayao
– Benguet
– Ifugao
– Puerto Princesa City
– Iloilo City
– Zamboanga City
– Zamboanga Sibugay
– Zamboanga del Sur
– Zamboanga del Norte
– Cagayan de Oro City
– Butuan City
– Agusan del Sur
Iiral pa rin ang General Community Quarantine (GCQ) ‘with restrictions’ sa National Capital Region (NCR) plus kabilang ang Bulacan, Cavita, Laguna at Rizal.
Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na epektibo ang GCQ ‘with restrictions’ sa NCR plus hanggang June 15.
Mananatili rin aniya ang limitadong kapasidad sa mga industriya.
GCQ naman ang ipatutupad sa:
– Baguio City
– Kalinga
– Mountain Province
– Abra
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Batangas
– Quezon
– Iligan City
– Davao City
– Lanao del Sur
– Cotabato City
Epektibo ang GCQ sa mga nabanggit na lugar hanggang June 30.
Samantala, Modified General Community Quarantine (MGCQ) naman ang ipatutupad sa nalalabing bahagi ng bansa hanggang June 30.