7,443 na kaso ng COVID-19 nadagdag sa Pilipinas

Nadagdagan pa ng 7,443 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 1,216,582 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nabatid na 156 katao ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 20, 722 ang bilang ng mga nasawi.

Aabot naman sa 53,614 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Umabot naman sa 7,533 ang nakarekober sa naturang sakit. Sa kabuuan, nasa 1,142, 246 ang bilang ng mga gumaling.

 

Read more...