Nadagdagan pa ng 246 na kaso ng COVID-19 variants sa bansa.
Base sa talaan ng Department of Health, 104 na dagdag kaso ng United Kingdom o B.1.1.7 variant ang naitala sa Pilipinas at 137 na kaso ng South Africa o B.1.351 variant.
Apat na kaso naman ng Philippine o P.3 variant at isang India o B.1.617.2 variant ang naitala sa bansa.
Dahil dito, nasa kabuuang 2,494 mula sa 7,547 COVID-19-positive samples na sinuri ng University of the Philippines’ Philippine Genome Center (PGC) at National Institutes of Health ang nag-positibo.
Sa naturang bilang, 26 na kaso ang aktibo.
MOST READ
LATEST STORIES