Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Survey (SWS), 79 porsyento ng mga Filipino ang nagsabing ang health protocols violators ang rason ng pagkalat ng sakit.
Nasa 11 porsyento naman ang nagsabi na dahil sa kakulangan sa preparasyon ng gobyerno habang 10 porsyento ang mga bagong COVID-19 variant.
Kabilang sa mga kadalasang nalalabag na health protocols ang hindi pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing.
Samantala, lumabas din sa survey na 33 porsyento ang nagsabi na ang sarili nila ang pinaka-responsable upang mahinto ang hawaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Nasa 31 porsyento naman ng mga Filipino ang nagsabing responsibilidad ito ng gobyerno, 15 porsyento sa mga miyembro ng komunidad, siyam na porsyento sa lokal na pamahalaan, walong porsyento sa pamilya at apat na porsyento sa health workers.
Isinagawa ang First Quarter 2021 Social Weather Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na may edad 18 pataas sa bansa mula April 28 hanggang May 2, 2021.