Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaya nakatatanggap ng Pfizer ang ilang local government units dahil sila ang may sub zero cold storage facilities na pangunahing storage requirement para sa mga bakuna ng Pfizer.
Sa ngayon, mayroong walong milyong doses ng COVID-19 vaccines ang bansa. Sa bilang na ito, 193,000 doses ang Pfizer galing sa COVAX facility, habang limang milyong doses naman ang Sinovac.
Mayroong 40 milyong doses ng Pfizer vaccines ang binili ng pamahalaan subalit hindi pa batid kung kailan ito maide-deliver sa bansa.
READ NEXT
Manila LGU, TESDA pumirma ng kasunduan para sa alok na technical, vocational programs sa UdM
MOST READ
LATEST STORIES