Magbubukas ang TESDA Manila District Office ng tech-voc courses sa ilalim ng Center for Microcredentialing and Industry Training sa UdM Annex Campus.
Makikipagtulungan naman ang UdM at PESO-Manila upang maging matagumpay ang mga programa at aktibidad na layong mapahusay ang employability, skills, at kapasidad ng work force sa lungsod.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, magsusumikap ang lokal na pamahalaan upang makapaghatid ng mga bagong oportunidad sa training at edukasyon.
“But ako, I’m a believer of education. In fact until today, I continue to try to learn new things. Pipilitin naming magbuti, maging mainam at magkaroon ng trabaho yung mga graduate under this agreement,” pahayag ng alkalde.
Sinabi naman ni TESDA Director General Sec. Isidro Lapeña na nananatiling tapat ang ahensya sa pangakong pagbibigay ng de kalidad na trainings.
“Kagaya ng sinabi ko kanina, ang kasabihan na kapag binigyan namin kayo ng isda, ito ay pang-isang araw lamang. Pero kung tuturuan mo siyang mangisda, tiyak na ito ay pang-habang buhay. At ang pagtuturo na iyon ay training po yun, at iyon po ang TESDA,” ani Lapeña.
Narito ang mga course o programa na iaalok sa UdM:
-Android Development
-Book Keeping
-Bread and Pastry
-Catering, Food and Beverage Service
-Graphic Design
-Photography
-Programming – Java
-Programming – Python
-Web Development
-Wood Technology
-Coffee Apprenticeship
-2D and 3D Animation