200 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19; Isa pa nasawi

Nasa 200 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (May 28) 23,571 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,740 ang aktibo pang kaso.

184 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 21,766 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 65 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...