Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 169.64 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 169.64 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 169,643,590 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,999,680 cases.

Sumunod na rito ang India na may 27,555,457 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 16,342,162 naman ang kaso sa Brazil habang 5,635,629 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,220,549
– Russia – 5,035,207
– United Kingdom – 4,473,677
– Italy – 4,205,970
– Germany – 3,673,969
– Argentina –  3,663,215
– Spain – 3,663,176
– Colombia – 3,319,193
– Iran – 2,875,858
– Poland – 2,869,652
– Mexico – 2,405,722
– Ukraine – 2,193,367

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,525,259 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 151,498,335 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...