Inaasahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sisigla ang ekonomiya ng bansa ngayon ikalawang bahagi ng taon bunsod na rin ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dominguez, malaking dahilan din ang ikinakasang vaccination rollout ng gobyerno.
Sinabi ng kalihim na kapag natupad ng vaccine manufacturers ang kanilang pangako, bukod sa 70 million Filipino adults na balak bakunahan, maaring mabigyan na rin ng proteksyon sa sakit ang 15 milyong kabataang Filipino.
“There is good news on the horizon, however. In the second quarter of this year, we expect to begin growing our economy again. We see that the second wave of infections that started at the end of March has subsided dramatically. We hope that this will be the last surge,” sabi ni Dominguez.
Dagdag pa ni Dominguez sinimulan na rin ang mga negosasyon para sa ‘booster shots’ ng COVID-19 vaccines kayat tiwala siya na matatapos na ang pandemya sa pinakamabilis na panahon.
Aniya umaasa ang gobyerno sa mga maliliit na negosyo para muling sumigla ang ekonomiya ng bansa at madagdagan pa ang may trabaho.