Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o ang pagsasalubong ng hangin mula sa Northern at Southern Hemisphere sa Mindanao.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na dahil dito, posible pa ring makaranas ng severe thunderstorms sa bahagi ng nasabing rehiyon hanggang gabi.
Easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean naman ang nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa Luzon at Visayas.
Bunsod nito, maari aniyang makaranas ng isolated thunderstorms sa ilang parte ng Luzon at Visayas hanggang gabi.
Samantala, huling namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa layong 2,215 kilometers Silangang ng Mindanao dakong 3:00 ng hapon.
Hindi inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Kikilos ang LPA sa direksyong pa-Kanluran at posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Sabado, May 29 o Linggo, May 30.