Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) ng Manila International Container Port, ang apat na hinihinalang smuggled na sasakyan, araw ng Miyerkules, May 26.
Matapos makatanggap ng derogatory information, isinailalim ang shipment eksminasyon.
Sa inspeksyon, nadiskubre na nakabalot ng 40 package ng ukay-ukay ang apat na mamahaling sasakyan.
Nakita ang isang unit ng Porsche Boxter Sports Car, isang unit ng Mercedes Benz SLK Sports Car, at dalawang unit ng Toyota MR-S Sports Cars.
Naka-consign ang mga sasakyan sa isang JLFDM Consumer Goods Trading na nagmula sa Japan at unang idineklara bilang auto spare parts.
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga sasakyan.
Agad inilabas ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa shipment dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).