Halos ganito ang pagsasalarawan ni Senator Joel Villanueva sa pagkakamali ni Presidential spokesman Harry Roque sa pahayag nito na ipinilit ni Vice President Leni Robredo na makasama si Pangulong Duterte sa isang ‘infomercial’ ukol sa pagpapaturok ng COVID 19 vaccines.
“These are the usual kinks in casting the talents of a blockbuster ad. But even in showbiz, this kind of miscommunication is rarely committed by talent managers,” ang mensahe ni Villanueva sa Senate reporters.
Magugunita na pinalutang ni Villanueva ang ideya na pagsamahin sa isang ‘informercial’ ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa para mahikayat ang sambayanan na magpabakuna ng proteksyon sa COVID 19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Roque nag-boluntaryo pa si Robredo na sumama sa ‘infomercial’ na tatampukan ni Pangulong Duterte sa kagustuhan nito na sumakay sa sinasabing tagumpay sa vaccination rollout ng gobyerno.
Gayunman, inulit pa rin ni Villanueva ang ideya na magsama sina Pangulong Duterte at Robredo sa isang ‘vaccination ad campaign’ kahit siya na mismo ang nagsabi na mahirap pagsamahin ang dalawa dahil magkaiba ang kanilang partido.
“Alam po natin na mas madali pang ipagtambal si Romeo and Juliet. But with vaccine fake news on the rise, we need a pushback, through an infomercial featuring, to use showbiz lingo, ‘ang dalawang higante sa pulitika,” sabi ng senador.