Sa press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. na napagdesisyunan ng mga alkalde na huwag munang galawin ang itinakdang curfew hours mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.
Inirekomenda aniya ng Metro Manila mayors ang mabagal ngunit siguradong pagbubukas sa negosyo.
“More businesses, activities, taasan ang capacity pero dahan dahan. ‘Yan ang napag-usapan ng mga alkalde,” pahayag nito.
Bahala na aniya ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Tourism (DOT) sa pagdetermina kung anong mga negosyo at aktibidad ang papayagan nang buksan.
Sa ngayon, nakasailalim ang NCR sa General Community Quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ hanggang May 31.