Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (May 27), pumalo na sa 1,200,430 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 48,109 o 4.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,483 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.47 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 210 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 20,379 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,335 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,131,942 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.