Ayon kay Velasco, nagdesisyon na ang komite kaya dapat itong igalang ng lahat.
Dahil naman sa dismissal sa Leonen impeachment, sinabi ni Velasco na ang Kamara ay mas makakatutok na sa iba pang mga nakabinbing trabaho at makakabuo ng mga lehislasyon na mas makakatulong sa mga Pilipino at ekonomiya na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa botong 44 na YES, 0 na NO at 2 ABSTENTION, ibinasura ang impeachment complaint laban kay Leonen.
‘Insufficient in form’ ang reklamong impeachment dahil sa news articles lamang ang pinagbasehan nito.
Kailangan, ayon sa komite, na mayroong personal knowledge ang complainant na si Edwin Cordevilla sa mga ibinibintay kay Leonen.