Self swabbing para sa COVID-19, ipinagbabawal ng DOH

PCOO photo

Ipinagbabawal ng Department of Health ang self swabbing para sa COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na magiging kwestyunable ang resulta ng swab test.

Pahayag ito ni Roque matapos mag-viral sa social media ang self swabbing na ginawa ng aktor na si Robin Padilla.

Sinabi pa ni Duque na kung hindi naayon sa tamang pamantayan ang ginawang pag swab ay magiging kaduda-duda ang magiging resulta.

Sinabi pa ni Duque na hindi dapat na ginagawa ang self swabbing.

Read more...