Malakanyang: Pagtakbo bilang VP ni Pangulong Duterte sa 2022 elections, bahala na si Lord!

Ipinauubaya na lang ni Pangulong Duterte sa Panginoon ang kanyang magiging kapalaran sa eleksyon sa susunod na taon.

 

“He leaves it to God,” sabi ni Presidential spokesman Harry Roque ukol sa sinasabing pagkandidato ni Pangulong Duterte sa vice presidential race sa susunod na taon.

 

Una nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaring asamin ni Pangulong Duterte ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa kung uudyukan ng taumbayan.

 

Sinabi pa ni Panelo na maaring isa kina Sen. Bong Go at Davao City Mayor Sara Duterte ang magiging presidential candidate naman ni Pangulong Duterte.

 

Kapwa naman na nagpahayag ng kawalan ng interes sa ngayon sina Go at Duterte na pumalit kay Pangulong Duterte.

 

Read more...