Ngunit paliwanag ni Calixto – Rubiano, ang mga nabakunahang banyaga ang lehitimong residente ng lungsod at kabilang sila sa A2 at A3 categories ng vaccination priority list.
“These individuals, like all other people who were vaccinated, passed through the normal process and during their registration they submitted their Barangay Certificates indicating that they are residents of the city and they belong to either the A2 or A3 category,” aniya.
Pagtitiyak pa nito na masusing sinuri ang mga dokumentong isinumite ng mga nabakunahan sa lungsod.
Gayunpaman, sinabi ni Calixto – Rubiano na paiimbestigahan pa rin niya ang diumano’y pagbibigay prayoridad sa bakuna sa Chinese citizens.