Comelec, binabalak na limitahan ang bilang ng mga makakasama ng mga kakandidato sa 2022 elections

Ikinokonsidera ng Commission on Elections o Comelec na limitahan ang bilang ng mga tao na maaring makasama ng maghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) bilang bahagi ng pag-iingat sa 2019 coronavirus.

Sinabi ni Comelec Comm. Antonio Kho na maaring samahan na lang ang kakandidato ng kanyang abogado o miyembro ng pamilya.

Dagdag pa ng opisyal, magpapatupad din sila ng crowd management sa hanay ng mga taga-suporta ng mga kandidato.

Ayon kay Kho, nakasaad sa batas na kailangang personal na isumite ng kandidato o ng kanyang awtorisadong kinatawan ang kanyang COC.

Aniya, wala pa namang naipapasang batas ang Kongreso na nagsasabing maaring maging opsyon ang ‘online filing of COC’ dahil na rin sa pandemya.

Itinakda ang paghahain ng COCs para sa mga national at local candidates sa darating na Oktubre 1 hanggang 8.

Read more...