DOJ magpapasaklolo sa CHR sa pag-iimbestiga sa ‘anti-drug nanlaban deaths’

Inanunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magpapatulong sila sa Commission on Human Rights (CHR) sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng pagkamatay ng ilang indibiduwal sa ikinasang anti-drug operation ng pambansang pulisya.

Ayon kay Guevarra, maaring ang maging trabaho ng CHR ay maghanap at tulungan ang mga tetestigo sa mga kaso.

Aniya, nais niyang tuparin ang pangako na magiging bahagi ng mga pag-iimbestiga ang CHR.

Kinumpirma na rin ng kalihim ang inanunsiyo ni PNP Chief Guillermo Eleazar na makikipagtulungan sila sa pag-iimbestiga sa 61 kaso na una na ring inimbestigahan ng PNP – Internal Affairs Service, na una na ring sumuri sa higit 6,000 kaso.

Simula noong 2016, higit 5,000 illegal drugs operations ang ikinasa ng PNP, kung saan namatay ang mga suspek.

Read more...