Nalusaw na ang low pressure area (LPA) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ)
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, umiiral ang ITCZ sa Southern part ng Mindanao.
Asahan pa rin aniya makararanas ng thunderstorms sa parte ng Visayas at Mindanao at ilang bahagi ng Luzon hanggang gabi.
Easterlies naman ang nakakaapekto sa iba pang parte ng bansa.
Samantala, walang ibang binabantayang sama ng panahon sa palibot ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ngunit, mayroon aniyang tinututukang LPA sa layong 2,505 kilometers Silangan ng Mindanao.
Sa ngayon, hindi pa aniya matutukoy kung ito ay mananatiling LPA o magiging bagyo.
READ NEXT
Pagtindi ng ‘Chinese intrusions’ sa pagpayag sa 100% foreign ownership sa public utilities pinangangambahan
MOST READ
LATEST STORIES