Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Decillo, 70 taong gulang, na dead on spot, at apo nitong si Rafael Velasquez na 10 taong gulang na idineklarang patay habang dinadala sa ospital.
Naganap ang pagsabog sa loob mismo ng kwarto ng mga biktima sa Daang Bakal St., 7th Avenue, Grace Park sa Caloocan City, alas-8:30 ng gabi.
Sinasabing nakita ang bangkay ni Decillo sa loob mismo ng kaniyang kwarto na may hawak na hinihinalang pin ng granada.
Gayunman, wala pa ring inilalabas na pahayag o kumpirmasyon ang mga pulis dahil iniimbestigahan pa nila ang pangyayari.
MOST READ
LATEST STORIES