Ex-vice mayor sa Bulacan patay sa pananambang

 

Mula sa Google maps

Nasawi ang dating bise alkalde ng bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan makaraan itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang nasawing biktima na si Roberto Rivera, 61 taong gulang na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng salarin ang biktima sa Barangay Namatan, sa bayan ng Pandi nito lamang Martes ng madaling-araw.

Nakarekober ng mga basyo ng kalibre 45 pistola ang mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang pagkalap ng impormasyon ng mga imbestigador upang matukoy ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima at pagkakakilanng suspek sa insidente.

Read more...